Mga armas at bala, nakumpiska sa isang lalaki sa Marawi City

Mga armas at bala, nakumpiska sa isang lalaki sa Marawi City

NAARESTO ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang isang lawless personality sa Marawi City.

Sa ulat kay AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) acting commander Brigadier General Arturo Rojas, kinilala ang nahuli na si Majid Dipatuan, 35 taong gulang at residente ng Barangay Bangco, Marawi City.

Si Dipatuan ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakuha sa kanya sa isinagawang joint law enforcement operation ang caliber 380 pistol, Colt Shotgun at mga bala.

Dinala na ang nahuli at mga armas sa CIDG Lanao del Sur Provincial Field Unit para sa safekeeping at proper disposition.

Tiniyak ni General Rojas na tuluy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa paglaganap ng loose firearms at lahat ng lalabag ay mahaharap sa kaparusahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter