Mga atletang Pinoy sa 2023 ASEAN Para Games, kinilala ni PBBM

Mga atletang Pinoy sa 2023 ASEAN Para Games, kinilala ni PBBM

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga Pilipinong atletang sumabak lalong-lalo na ang mga nanalo sa 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia.

Ayon kay Pangulong Marcos, isang patunay lang na hindi hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan para magawa ang isang bagay.

Mula sa naturang ASEAN Para Games, nasungkit ng Pilipinas ang 34 na gold medals; 33 silver medals; at 50 bronze medals.

Nasa ikalimang puwesto naman ang Pilipinas sa overall result.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter