Mga barangay na nakapagtala ng ASF cases, bumaba—BAI

Mga barangay na nakapagtala ng ASF cases, bumaba—BAI

BUMABA ang bilang ng mga barangay na nakapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sa tala ng Bureau of Animal Industry (BAI) hanggang Oktubre 18, 2024, mula sa 534 ay nasa 505 na lang ito ngayon.

Sa breakdown, 140 barangays sa North Cotabato ang may ASF cases; 75 sa Batangas; 51 sa Camarines Sur; 42 sa La Union; 37 sa Quezon; 28 sa Abra; 27 sa Cavite; 18 sa Oriental Mindoro; tig-14 sa Ifugao at Ilocos Sur; at 13 mula sa Kalinga.

Samantala, nasa 9 na barangay ang may kaso ng ASF sa Laguna; 8 sa Occidental Mindoro; 5 sa Catanduanes; at tatlo sa Rizal.

Tig-dadalawa mula sa Camarines Norte, Leyte, Sorsogon at Zamboanga del Norte habang tig-iisa sa Apayao, Bulacan, Maguindanao del Norte, Sultan Kudarat, at Tarlac.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble