BUKOD sa trauma, dama ng mga bata na naninirahan sa loob ng KOJC Compound ang takot lalong-lalo na nang makita ang pagpasok ng mga sundalong naka full-battle gear na may dalang malalaking mga armas.
Nagsagawa ang Kingdom Children Growth School staff ng prayer and debriefing sessions sa mga batang apektado ng pagsalakay ng PNP-CIDG at SAF Troopers sa KOJC Compound kaninang umaga.
Ang pagsalakay ay nagdulot ng malawakang takot sa pagbabalik ng awtoritaryang pamumuno sa ilalim ng batas-militar na may kalupitan, pagsasantabi ng mga karapatang pantao, at hindi pagsunod sa batas.