Muling pinaalalahanan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga residente ng Quezon City sa mga bawal dalhin sa loob ng sementeryo.
No Vaping o paninigarilyo sa loob ng sementeryo.
Bawal rin ang pag-iinom, pagdadala ng mga matutulis na bagay at flammable items.
Upang matiyak na masusunod ang bawal na kagamitan inatasan ng Pulisya ang nasa 4 libong pulis na bantayang maigi ang pagpasok ng mga tao na bibisita sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay.
Paglilinaw ng QCPD, hindi lang sa sementeryo ang pokus ng seguridad nila kundi maging ang pagmando ng trapiko at pagbabantay sa mga matataong lugar ang ilan pa sa mga prayoridad ngayong UNDAS.