Mga benepisyaryo ng SPES sa Taguig, tinanggap na ang kanilang sahod

Mga benepisyaryo ng SPES sa Taguig, tinanggap na ang kanilang sahod

NATANGGAP na ng mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang mga sahod sa isinagawang salary distribution sa Vista Mall Trade Hall, Brgy. Calzada-Tipas, Taguig City.

Ito na ang pangatlong distribusyon na pinangunahan ng Public Employment and Service Office.

Ibinigay sa mga benepisyaryo ang 60% ng kanilang sahod mula sa lokal na pamahalaan habang ang 40% naman ang matatanggap nila mula sa DOLE at makukuha sa pamamagitan ng remittance center.

Hinikayat ang bawat dumalo na gamitin sa tama ang kanilang natanggap na incentive para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Layunin ng SPES na ihanda at bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral at out of school youth tungkol sa mga responsibilidad na nakapaloob sa pagtatrabaho.

Maaaring isama sa resume ang kanilang naging karanasan sa SPES Program sapagkat itinuturing itong work experience.

Ang ilan sa mga trabaho na isinasagawa ng mga benepisyaryo ay ang pagkuha ng vitals ng mga pasyente sa mga barangay health center, medicine distribution, general assistance, basic filing, at manpower.