PINAIGTING ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang ugnayan ng lungsod at sa mga pribadong sektor.
Ayon sa Taguig LGU, nilagdaan nila ang Memorandum of Agreement for Barangay Energizing Partnerships kasama ang Meralco upang mas madaling matugunan ang pangangailangan ng mga barangay pagdating sa paggamit ng kuryente.
Inumpisahan din ayon sa lokal na pamahalaan ang pakikipagtulungan sa Philippine National Railway at Manila Water Co. para sa Water Supply Pipelaying Project na magbibigay ng suplay ng tubig sa mahigit 3,000 kabahayan sa Brgy. South Daang Hari.
Dagdag pa ng LGU, tinalakay nila ang komprehensibong programa para sa mental health kabilang na ang pakikipagtulungan sa Mind You at Department of Health (DOH) para sa gaganaping National Health Summit 2022.
Nakipag-ugnayan din ang Taguig mga pribadong organisasyon na Save the Children, Future Vision at Helping Hands.