SA ilalim ng Temang “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan ng Nagkakaisang Pilipino,” binibigyang parangal o pagkilala ng bansa ang kagitingan at katapangang ipinakita ng mga beteranong sundalong Pilipino noong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan.
Pinangunahan ang aktibidad ng isang sunrise ceremony ganap na alas sais ng umaga, Abril 5, 2024 sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig City apat na araw bago ang pag-alala ng Araw ng Kagitingan sa darating na Abril 9, 2024.
Isa-isang nag-alay ng pulang rosas ang mga beteranong sundalo bilang sukli sa mga sakripisyo ng mga kasamahan nito noong World War II.
Dinaluhan ang seremonya ni Army Commanding General LtGen. Roy Galido, mga opisyal ng Department of National Defense, Philippine Veterans Affairs Office, Navy at AFP personnel at Boys Scout at Girls Scout of the Philippines.