NAG-inspeksiyon sa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Taguig City si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Biyernes.
Nakipagpulong din ito sa ilang opisyal ng FTI upang ilatag ang kaniyang plano para sa pagtatayo ng mga cold storage facilities upang solusyunan ang overproduction sa gulay.