INAPRUBAHAN na ang karagdagang P203.88M na tulong para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ang mga pondo ay direktang ibababa sa mga apektadong lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga makatatanggap ng tulong ay ang Himamaylan na may P62.54M; La Carlota City na may P63M; La Castellana na may P48.5M; at Canlaon City na may P29.72M.
Ang tulong ay magmumula sa P20B pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Samantala, pitong volcanic earthquakes ang naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Kanlaon kahapon, Mayo 4, 2025.
Halos 2,800 na tonelada ng sulfur dioxide ang naitala at steaming activities na umabot sa 75 meters ang taas.