Mga biktima ng karahasan ng CTGs, mas dapat bigyan ng pakikiramay kaysa sa pagkamatay ni Joma Sison –Atty. Larry Gadon

Mga biktima ng karahasan ng CTGs, mas dapat bigyan ng pakikiramay kaysa sa pagkamatay ni Joma Sison –Atty. Larry Gadon

HINDI magpapakaipokrito si Atty. Larry Gadon na magbigay ng pakikiramay o magsalita ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng CPP-NPA-NDF leader Joma Sison.

Ayon kay Gadon, isang proud Marcos loyalist, mas nakikiramay pa siya sa mga biktima ng karahasan ng CPP-NPA-NDF.

“Mas nakikiramay ako sa paghihirap ng mga tao sanhi ng panggugulo ng Communist Party of the Philippines at ng panggugulo ng NPA at ang paglason sa isipan ng ating mga kabataan ng League of Filipino Students.’Yan ang mas dapat nating bigyan ng pagdadalamhati at pakikiramay,” saad pa ni Atty. Gadon.

Dagdag pa ng abogado, ang pagkamatay ni Joma ay isang senyales ng pagbangon ng bansa at lubusang umunlad na malaya mula sa karahasan ng komunistang kilusan.

“Sapagkat ang ating pag-unlad ay naantala ng napakahabang panahon dahil sa panggugulo ng Communist Party of the Philippines na itinatag ni Joma Sison at ni Ninoy Aquino,” giit pa ng abogado.

Sa huli, binigyang-diin ni Gadon na wag nang magpaloko, ‘wag nang magpabola. ‘Wag nang magpa-brainwash sa mga matatamis na salita ng CPP-NPA-NDF.

Follow SMNI NEWS in Twitter