NAGSAGAWA ng relief operations ang Office of the Vice President (OVP) matapos maganap ang isang sunog sa Alley 9, South San Juan, Brgy. Centro, Agdao District ng Davao City.
Agad na nag-deploy ang OVP – Southern Mindanao Satellite Office ng Kalusugan Food Trucks at namahagi ng hot meals sa mga biktima ng sunog at maging sa mga first responder.
Sa inisyal na report, apat na kabahayan ang nasunog at siyam na mga pamilya ang apektado.
Pansamantalang naninirahan ang mga biktima sa evacuation area sa barangay gym malapit sa barangay hall ng Centro San Juan.