Nagkaisa ang Sonshine Philippines Movement (SPM) at mga boluntaryo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa ‘’One Tree, One Nation’’ Nationwide Tree Planting.
Sa kabila ng bagyo at trahedya na naranasan hindi parin mawawala ang pag-aalala at pagtulong sa kapuwa. Kaya’t ang Sonshine Philippines Movement (SPM), mga KOJC members at ibang boluntaryo ay nagkakaisa at nagtutulungan para sa pagtanim ng mga puno.
Mula sa lpil heights, Zamboanga Sibugay mahigit kumulang na 250 seedlings ng Narra at Mahugany tree ang itinanim sa pangunguna ng adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy na “One tree, One Nation”.
Ito ay lubos na nakakatulong lalo na sa mga mamamayan para sa pagpigil ng mga paparating na trahedya’t sakuna.
Ang “One Tree, One Nation” ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay pinagkaka-isahang isinagawa sa Luzon, Visayas, Mindanao, at sa bawat sulok ng Pilipinas. Ito ay dahil sa pagmamahal ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga Pilipino at sa bansang Pilipinas.