Mga crew ng na-hijack na barko sa Red Sea, pinahintulutang makipag-ugnayan sa pamilya

Mga crew ng na-hijack na barko sa Red Sea, pinahintulutang makipag-ugnayan sa pamilya

NAPAHINTULUTAN ng Houthi rebels ang mga ship crew ng Galaxy Leader, ang barkong na-hijack nila kamakailan sa Red Sea na mai-contact ang kanilang mga pamilya.

Ayon ito sa Isle of Man, ang rehistradong may-ari ng Galaxy Maritime Limited sa isang pahayag.

Ibig sabihin anila dito, hindi hinihigpitan ng Houthi rebels ng Yemen ang kanilang hawak na ship crew.

Nobyembre 20 nang ma-hijack ng Houthi rebels ng Yemen ang barkong Galaxy Leader.

Nasa 25 ang crew members nito nang maglalayag sa Red Sea.

Nasa 17 mga Pilipino ang kasama sa mga na-hostage subalit sinabi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maayos naman ang kanilang sitwasyon.

Samantala, ang Houthi rebels ay nakikisimpatiya sa Hamas na kasalukuyang may alitan sa Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble