MARIING pinaalalahanan ng Department of Justice (DOJ) ang mga dayuhan na sangkot sa ilegal na aktibidad kasabay ng babala na mahaharap sila sa kaso.
Inilabas ni Justice Secretary Crispin Remulla ang babala makaraang ni-raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga, sa tulong ng DOJ Inter-Agency Council Against Trafficking; Philippine National Police at iba pa.
Nilinaw ng DOJ na welcome at maaari namang bumisita dito sa bansa ang mga foreigners pero dapat aniyang sumusunod sila sa mga batas na pinapairal ng Pilipinas.
Iginiit pa ng DOJ na ito na ang huling paalala o babala sa sinumang dayuhan na narito sa bansa at tiniyak na nakahanda na ang mga legal na aksiyon sa mga dayuhang lalabag sa ating batas.