Mga Duterte at ibang lider mula sa Mindanao pilit na pinapabagsak ng Marcos admin—former DND Sec.

Mga Duterte at ibang lider mula sa Mindanao pilit na pinapabagsak ng Marcos admin—former DND Sec.

TINATARGET ngayon ng Marcos admin na pabagsakin ang mga mabubuting lider mula sa Mindanao ayon sa dating kalihim ng DND.

Nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin, mga pangako noong eleksiyon na hanggang ngayon ay hindi pa natutupad, lantarang kurapsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Ilan lamang ito sa resulta kung anong klaseng pamamalakad meron ngayon ang Marcos administration.

Dahil dito, milyun-milyong mga Pilipino ang lalong naghirap, naging dismayado at nagsasabi na sila ay nabudol at nalinlang sa mga matatamis na salita ni Marcos Jr.

Maliban pa sa mga nabanggit, ang matinding politika na kung saan pilit na pinapatahimik ang mga kritiko lalo na ang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Para sa isang political vlogger na si EB Jugalbot, malinaw na ginagawa ng Marcos administration ang lahat ng kanilang makakaya para masira lang ang magandang reputasyon ng mga Duterte.

“Ang administrasyong Marcos na ito talagang hellbent gagawin at gagawin nila ang buong makakaya nila to downplay the Duterte’s i-sail ‘yung image of good governance that the Duterte brand gave to the people sa Davao and in the whole country,” wika ni EB Jugalbot, Political Vlogger.

Aniya, ang kasalukuyang administrasyon din ang nasa likod ng overkill na paghahain ng arrest warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Na dahil sa dami ng mga pulis ngayon na nagkalat sa Davao City, maituturing aniya na nasa under siege ang maganda at payapang siyudad ng mga Dabawenyo.

“Yung abuse and excessive use of force sa Davao, I have to agree is under siege Ka-Eric, dapat itong malaman at maintindihan ng ating mga kababayan why would almost two battalions of Special Action Forces from different PNP units in different regions and there were some information na meron ding AFP Special Forces,” dagdag ni Jugalbot.

Kinuwestyon din ni Jugalbot ang biglaang pagdami ng mga Amerikanong sundalo sa Davao City at ang matinding surveillance na ginagawa dahil sa panay na pagpapalipad ng mga drone.

“So ‘yang drone na ‘yan, ‘yang UAV na ‘yan na lumilipad sa air space ng Davao, there is a high probability na nanjan ang mga Amerikanong sundalo na nag-ooperate nyan and which ties again to the images posted by Jay Sonza of apparently US troops and these are not just ordinary troops ‘yung ordinary service man ng Amerika hindi mo mapapansin ‘yung laki ng katawan these are images of people that I think … or Navy seals,” ani Jugalbot.

Para sa kaniya, malinaw na ito ay labag sa konstitusyon dahil sinusupil nito ang kalayaan ng mga Pilipino at ito aniya ay impeachable offense.

“Bakit nandito ‘yan sa Davao, bakit nandito ‘yan sa Pilipinas, it’s not just unlawful it is unconstitutional, it is undermining the sovereignty of the Philippines, this is actually an impeachable offense if you look the provisions of impeachment this is betrayal of public trust na ito Ka Eric,” saad ni Jugalbot.

Ngunit para sa dating kalihim ng Department of National Defense na si Norberto Gonzales na kaya maraming mga naka-uniporme na umaaligid sa Davao City at kung bakit iniisa-isa ang mga kaibigan at kaalyado ng dating pangulo, ito’y dahil nais pabagsakin ng Marcos administration ang mga Duterte.

“Naniniwala ako and I will confirm to you na talagang pinagpo-focusan ng administrasyon ang Davao kasi may away,” ani Gonzales.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Gonzales paliwanag nito na upang mapanatili ni Marcos ang kaniyang kapangyarihan sampu ng kaniyang mga kasamahan ay dapat ubusin muna nila ang mga kaalyado ng mga Duterte na nasa Mindanao.

“Alam mo ba ‘yung succession? Pagka natanggal ang presidente sino kasunod di ba Vice? kung walang Vice, Senate President kung walang Senate President, Speaker of the House, kung walang Speaker of the House Chief Justice ng Supreme Court kaya tingin ko ang ginagawa ng presidente siempre dapat ‘yung lahat ng successor na ‘yan ‘yung apat ay hindi taga-Mindanao” dagdag nito.

Dagdag pa nito na nakakabahala rin aniya para sa kasalukuyang administrasyon o ng kahit na sinong politiko ang pagiging solido ng Mindanao kaya pilit itong pinapabagsak.

“Kasi nga naipakita ng Mindanao sa kasalakuyang lalo how solid Mindanao is politically speaking kaya talagang tatargetin ‘yan, talagang pipilitin na pahinain ang mga nirerespetong lider ng Mindanao,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter