NAKIPAGPULONG na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa isyung kinakaharap ngayon ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Layunin ng isinagawang pulong para kumalap ng mga gagamiting ebidensya para sa isasampang mga kaso laban kay Mayor Guo.
Kaugnay nito’y makikipag-ugnayan na rin ang Office of the Solicitor General sa COMELEC kaugnay naman sa quo warranto petition o pagpapawalang bisa sa pagkapanalo ni Guo bilang alkalde.
Matatandaang una ng sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na sisikapin nilang maisumite ang quo warranto case laban kay Mayor Guo anumang araw ngayong linggong ito.