NAGBABALA ngayon ang Cybercrime Investigation Coordinating Center (CICCC) sa posibleng paggamit ng deepfake sa darating na halalan.
Ayon kay Marco Reyes ng CICCC, kayang-kaya ng deepfake technology na gayahin ang itsura o boses ng isang tao sa video o audio upang manlinlang.
Mahigpit aniya na suriin ang mga kahina-hinalang social media account na naglipana. Nagbigay rin ng paalala na makakakuha ng libreng deepfake detector tools mula sa Google Search o Google Play Store upang maiwasan ang malware at maling tools.
Batay naman kay CICCC Executive Director Alexander Ramos, may plano silang bumuo ng isang national task force upang sugpuin ang deepfake at mamahagi ng deepfake AI software para malabanan ito.
Ngayong unang kwarter ng 2025, nakatanggap na ang CICCC ng 3,251 reklamo kaugnay sa deepfake.