Mga empleyado ng gobyerno, matatanggap ang midyear bonus simula ngayong araw

Mga empleyado ng gobyerno, matatanggap ang midyear bonus simula ngayong araw

SIMULA ngayong araw, Mayo 15, matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang midyear bonus.

Ito ang kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM).

Nagpaalala naman si Budget Sec. Amenah Pangandaman sa mga ahensiya ng gobyerno na tiyaking maibigay ang mga bonus sa itinakdang panahon nang naaayon sa kasalukuyang rules and regulations.

Ang midyear bonus ng mga empleyado ng gobyerno ay katumbas ng isang buwang basic pay.

Eligible na makakakuha nito ang mga empleyadong may hindi bababa sa 4 na buwang serbisyo nang hanggang ngayong Mayo 15.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter