NAIS ni Sen. Sherwin Gatchalian na ipagbawal na sa mga paaralan ang paggamit ng mga estudyante ng cellphones.
Ayon sa senador na siyang chairman ng Senate Basic Education Committee, paraan ito para mahikayat na magbasa ng mga libro ang mga mag-aaral at hindi sa pag-scroll ng kahit ano sa social media.
Tugon ito ng senador sa ulat na may mababang reading comprehension ang mga estudyanteng Pinoy kumpara sa ibang bansa.
Solusyon na rin ito ng mambabatas para hindi maapektuhan ang mental health at pag-aaral ng mga estudyante dahil sa labis na internet usage.