NAGPAMALAS ng kanilang pananabik ang mga estudyante sa unang araw ng klase sa Timoteo Paez Elementary School, Pasay City, araw ng Martes.
Dahil sabik sa unang araw ng face to face classes, alas singko pa lang ng umaga ay nasa paaralan na ang karamihan sa kanila.
Alas sais ng umaga nagsimula na ang flag raising ceremony sa naturang paaralan.
Sa panayam ng SMNI News kay Timoteo Paez Elementary School principal Ms. Jeanne Rejuso, wala naman aniyang naging problema sa unang araw dahil matagal naman nila aniya ito pinaghandaan kasama ng kapwa guro at mga magulang ng mga estudyante.
Nasa 4,000 libong estudyante ang nakarehisto sa naturang paaralan.
Ayon din kay Rejuso, nakahanda rin sila sakaling may mga pagbabanta ng bagyo sakaling makansela ang face to face classes.
Dagdag ni Rejuso, ang magulang ng mga nasa Kinder at Grade 1, 2 students ay pinapayagan na magbantay sa loob ng paaralan sa loob ng isang linggo at kung nasanay na ang mga bata ay maaari na lang nilang balikan ito.