Mga estudyanteng Pilipino mula sa Sudan, bumibiyahe na patungong Egypt

Mga estudyanteng Pilipino mula sa Sudan, bumibiyahe na patungong Egypt

TINATAYANG nasa 50 estudyanteng Pilipino ang kasalukuyan nang bumibiyahe mula sa Sudan patungo sa Sudan-Egypt border.

Ito’y sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa Sudan bunsod ng awayan ng dalawang heneral na nag-aagawan sa kapangyarihan.

Sa pahayag ni Philippine Students Association In Cairo (PhilSCA) President Yasser Usman Galapong, sakay na ng bus ang mga estudyante at nanawagan ito ng dasal para sa kaligtasan ng mga ito.

Nagpasalamat din ang (PhilSCA) sa tulong ng embahada ng Pilipinas sa Egypt sa pamumuno ni Ambassador Ezzedin Tago sa agarang tulong sa mga estudyanteng Pinoy.

Follow SMNI NEWS in Twitter