MAGSUSUPLAY na ng mga armas ang bansang Egypt sa Ukraine sa halip na sa Russia.
Ito ay matapos ang kumalat ang sensitibong dokumento sa Pentagon ukol sa sekretong paggawa ni Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi ng nasa 40,000 rockets para sa Russia.
Base sa artikulo ng Washington Post, upang maiwasan ang mga problema sa mga bansa ay nagpasya na lang umano si Sisi na ihinto ang naturang plano.
Habang itinanggi naman ng Egypt president ang nasabing ulat.
Sa ngayon ay inaprubahan na ng Egypt ang pagbebenta ng mga artillery ammunitions sa U.S. na siya namang isusuplay sa Ukraine.
