PINABIBILIS ng mga factory sa Japan ang output para sa buwan ng Agosto kasabay ng mataas na material cost at malakas na enerhiyang kinokonsumo nito.
Ngayong Biyernes ay ipinag-utos din ni Prime Minister Fumio Kishida ang economic stimulus package na naglalayong maibsan ang bigat na kinakaharap ng mga negosyo at mga residente dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Ayon sa mga mambabatas dahil sa posibleng recession sa Estados Unidos at iba pang trading partner ng bansa, magiging mabenta ang mga domestic product ng bansa dahil dito.
Umangat ng higit 2 porsyento ang factory output para sa buwan ng Agosto na mas mataas naman sa nakalipas na 2 buwan.
Ayon sa datos, umangat din ang retail sales ng bansa sa ikaanim na magkakasunod na buwan.
Samantala, nagkaroon naman ng decline ang sales ng Toyota Motor na pinakamalaking automaker sa mundo sa kabila ng pagtaas ng global production nito.