Mga guro na makikibahagi sa face-to-face pinabibigyan ng Special Risk Allowance ng isang mambabatas

Mga guro na makikibahagi sa face-to-face pinabibigyan ng Special Risk Allowance ng isang mambabatas

HINIMOK ni Marikina Representative Stella Quimbo ang Department of Education (DepEd) na bigyan ng Special Risk Allowance (SRA) ang mga guro na makikibahagi sa muling pagpatutupad ng face-to-face classes.

Sa inihaing House Resolution No. 77, ipinaliwanag ni Quimbo na karamihan sa mga guro na magtuturo muli sa pagbubukas ng klase ay nahaharap sa ‘unique risk’ dahil may mga estudyante, guro at personnel sa paaralan ang hindi pa rin bakunado.

Base aniya kasi sa ulat ng DepEd noong Oktubre 2021, 0.14 percent lamang ng mga menor de edad na edad 12-17 ang bakunado laban sa COVID-19 habang 50.33 percent lamang ng teaching at non-teaching staff ang fully vaccinated.

Iginiit ni Quimbo na ang mga guro ay frontliners ng Education sector kaya dapat tiyakin ang kanilang kaligtasan at mabigyan sila ng angkop na kompensasyon.

Hiniling din ni Quimbo sa DepEd na iprayoridad ang mga guro sa COVID-19 vaccine booster.

Follow SMNI NEWS in Twitter