Mga improvised deadly weapons, cellular phones, 2-way radios, nakumpiska mula sa NBP inmates

Mga improvised deadly weapons, cellular phones, 2-way radios, nakumpiska mula sa NBP inmates

NAKUMPISKA ang mga improvised deadly weapons, cellular telephones at chargers, portable two-way radios, at posporo mula sa mga person deprived of liberty (PDLs) sa Maximum-Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), nakuha ang mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng NBP sa isinagawang “Oplan Galugad” noong Biyernes, Oktubre 28.

Ayon pa sa BuCor, ang ganitong search operation ay naglalayon na mapuksa ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng piitan at upang maiwasan ang mga iligal na gawain ng mga PDLs.

Anila katiyakan ng kanilang kaligtasan ang bawat corrections officer na nakatalaga sa bawat isa ng bilangguan.

Samantala isinagawa ang search operation sa gitna ng pagpasok ng mga ipinagbabawal na bagay sa mga pasilidad ng bilangguan ng BuCor.

Follow SMNI NEWS in Twitter