Kapatid ng sinasabing “middleman” na namatay sa Bilibid, inilagay sa Witness Protection Program

Kapatid ng sinasabing “middleman” na namatay sa Bilibid, inilagay sa Witness Protection Program

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Boying Remulla na inilagay na sa Witness Protection Program ang kapatid na babae ng namatay na middleman sa New Bilibid Prison (NBP) na si Jun Globa Villamor.

Ang kapatid ng middleman ay tinurnover ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo sa DOJ kahapon matapos humingi ito ng tulong sa mga Tulfo brothers.

Nakatanggap diumano ang kapatid ng middleman ng text msg mula kay Jun na maaring makapagtuturo sa mga nasa likod ng pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Matatandaan naman na sa autopsy report ay lumabas na walang external physical injuries si Jun at nagkaroon ito ng pagdurugo sa puso.

Samantala, pinagbigyan na rin ng DOJ ang hiling ng pamilya ni Lapid na magkaroon ng 2nd autopsy sa bangkay ng middleman.

Follow SMNI News on Twitter