Mga indigent ng Dagupan, makaka-avail ng libreng CT scan

Mga indigent ng Dagupan, makaka-avail ng libreng CT scan

MAAARI nang maka-avail ng libreng computerized tomography (CT scan) ang lahat ng mga indigent ng Dagupan City.

Ito ang malugod na inanunsiyo ni Mayor Belen Fernandez.

Ayon kay Mayor Belen, libre na ang CT scan kasama ng iba pang mga serbisyo sa Dagupan City Diagnostic Center tulad ng electrocardiogram (ECG), ultrasound at X-rays na maaaring ma-avail ng mga indigent Dagupeños.

Magugunitang, natanggap na ng Dagupan ang license to operate nitong March 9, mula sa Department of Health (DOH) at Food & Drug Administration (FDA).

Inatasan din ni Mayor Belen ang mga barangay health workers (BHW), barangay service point officers (BSPO), barangay nutrition scholars (BNS), barangay nurses at iba pang frontliners na ipaalam ng serbisyo sa ginagawang home visitation bilang bahagi ng mas pinalawig na unli-serbisyo sa mga indigent Dagupeños.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter