Mga itinagong pampasabog at mga armas ng NPA, nakumpiska sa Camarines Norte

Mga itinagong pampasabog at mga armas ng NPA, nakumpiska sa Camarines Norte

NAKUMPISKA ng kasundaluhan ang mga itinagong pampasabog at armas ng New Peoples Army (NPA) sa bayan ng Labo, Camarines Norte nitong Miyerkules Abril 9.

Ayon sa ulat na natanggap mula sa 201st Infantry Brigade, ang mga sundalo mula sa 16 Infantry Battalion kasama ang local Police ay nagsagawa ng operasyon batay sa impormasyon na ibinahagi ng isang dating rebelde na may mga armas at pampasabog na itinago ng mga NPA sa Barangay Exciban ng nasabing bayan.

Dito nadiskubre ng otoridad ang ang isang ultimate Machinegan, isang M653 rifle, isang M14 rifle, pitong M16 A1 rifles, 14 magazine, 16 hand granades, dalawang rolls of detonating cord, 4,211 rounds ng 5.56mm live ammunition at 715 rounds ng 7. 62mm live ammunition.

Ang pagkakadiskubre sa mga armas ay itinuturi ni Commander 2nd infantry division Major General Cerilo Balaoro Jr. bilang tagumpay sa mas pinatinding pagsisikap na ginagawa ng mga kasundaluhan at kooperasyon ng na mamamayan.

Ani General Balaoro, ito na ang ikaapat na beses ngayong taon na may nakumpiskang itinagong armas sa bayan ng Labo, Camarines Norte, at ito ang patunay na ang pinaigting na mga operasyon ay hahantong umano sa pagbagsak ng mga komunistang terorista sa nasabing lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble