Pagsasailalim sa mga kandidato sa drug test iminungkahi ng transport group sa Mindanao

Pagsasailalim sa mga kandidato sa drug test iminungkahi ng transport group sa Mindanao

DAPAT maisama sa requirement ng mga tumatakbong kandidato para sa posisyon sa gobyerno ang drug test.

Ito ang mungkahi ng Mindanao Transport Confederation of the Philippines kasunod ng kanilang panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na sumailalim ito sa hair follicle test.

Anila, mahalagang malaman kung may kakayahan ang lider na kanilang iluluklok na pamunuan ang bansa dahil nakasalalay rin aniya ang kanilang hanapbuhay.

Una ng ipinanawagan ng grupo kay Pangulong Marcos na sumailalim ito sa drug test.
Nilinaw naman ni Mindanao Transport Confederation of the Philippines Founder and President Rey Vilos na ang kanilang panawagan ay hindi para sirain ang Pangulo.

Aniya, sagot ito sa matagal nang ibinabatong isyu sa Pangulo na dapat ay matuldukan na.
Pagkakataon din aniya ito ni Marcos na pabulaanan na hindi siya gumagamit ng ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble