Mga kababaihan, kayang mamuno at baguhin ang kanilang komunidad—VP Sara Duterte

Mga kababaihan, kayang mamuno at baguhin ang kanilang komunidad—VP Sara Duterte

NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na kayang-kayang baguhin ng mga kababaihan ang mukha ng kanilang komunidad.

Nitong Miyerkules ng umaga, nagsalita si Vice President Sara Duterte sa International Women’s Day Celebration ng Philippine Commission on Women at UN Women.

Sa kanyang talumpati, binigyang-pugay ni Vice President Duterte ang lahat ng mga kababaihan at ang kani-kanilang mga kontribusyon sa komunidad.

Aniya, siya ay naniniwala na ang mga kababaihan ay may kakayahang pamunuan at baguhin ang kanilang mga komunidad.

“Naniniwala rin ako na kapag ang mga kababaihan sa isang komunidad ay nabigyan ng pagkakataong maging produktibo, kapag sila ay nabigyan ng edukasyon at nagkaroon ng kapangyarihan ng kaalaman, at kapag sila ay nahasa na mamuno, kaya po nilang baguhin ang mukha ng kanilang komunidad,” mensahe ni Vice President Sara Duterte.

Protection mechanisms para sa mga kababaihan vs pang-aabuso, dapat palakasin ayon kay VP Sara

Ipinanawagan din ni Vice President Duterte ang pagpapalakas ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga kababaihan mula sa anumang pang-aabuso.

“Let us not forget to strengthen our protection mechanisms for Filipinas, including girls, from all kinds of violence committed against them at home, in their workplaces, and in online communities. Ending domestic violence may be insurmountable — but not impossible,” dagdag ni VP Duterte.

Inclusive financial support para sa mga kababihan at LGBTQI+ members, inilunsad ni VP Sara

Pagkatapos ay tumungo naman si Vice President Duterte sa San Pedro, Laguna kung saan inilunsad ang kanyang programang Mag Negosyo Ta’ Day.

Ito ay isang livelihood program na una nang ipinatupad ng pangalawang pangulo sa Davao City noong alkalde pa ito.

Layon ng programa na bigyan ng inclusive financial support ang mga kababaihan at LGBTQI+ members.

Samantala, sa kaniyang programang ‘Gikan Sa Masa, Para Sa Masa’ sa SMNI, may pangarap naman si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa lahat ng mga kababaihan ngayong International Women’s Day.

Pangarap ni dating Pangulong Duterte para sa mga kababaihan ay makapamuhay ang mga ito sa mapayapang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter