Mga kabataan na overweight, obese dumami base sa National Nutrition Surveys

Mga kabataan na overweight, obese dumami base sa National Nutrition Surveys

SA nakalipas na mga taon ay patuloy ang trend ng pagtaas ng porsiyento ng mga kabataan na overweight o obese sa bansa.

Makikita sa inilabas na datos ng National Nutrition Surveys ng DOST-Food & Nutrition Research-Institute, mula taong 2003 ay pataas nang pataas ang prevalence ng obesity at overweight sa mga kabataan na may edad 10-19 gulang.

Sa datos, mula sa 10.7 porsiyento noong 2018-2019 ay tumaas pa sa 13.0 porsiyento pagdating sa taong 2021 ang prevalence ng overweight at obesity sa mga kabataan.

Ayon kay Dr. Imelda Angeles-Agdeppa ng Dost-FNRI, ito ay dahil na rin sa hindi sinasabayan ng physical activity ang sobra-sobrang pagkain.

Lockdown noong 2019, contributor sa pagtaas ng bilang ng mga naging obese, overweight—Nutrition Expert

Factor din umano ang lockdown na gawa ng pandemya kaya dumami pagdating ng 2021 ang naging overweight o obese.

Overweight na mga bata, adult pinakalaganap sa NCR

Sa datos ng survey, ang NCR ay may pinakamataas na prevalence ng obesity at overweight sa lahat ng rehiyon sa bansa pagdating sa mga bata na wala pang limang taong gulang, sa mga kabataan na nasa 10-19 taong gulang at sa mga adult mula 20 taong gulang pataas.

“Ayon sa expert, pwede nating kainin ang lahat ng uri ng pagkain kahit ang mga matatabang pagkain tuwing Pasko gaya ng litson, basta in moderation para hindi tayo tumaba,” ayon kay Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, Director IV and Scientist IV, DOST-FNRI.

Samantala, patuloy ring problema sa bansa ang stunting o pagkabansot.

Sa resulta ng National Nutrition Surveys, pinakaprevalent o laganap sa Western Visayas ang pagkabansot sa mga bata na wala pang 5 taong gulang.

Ilang mga bata na normal noong taong 2019, naging bansot pagdating ng 2022 —National Nutrition Surveys

Samantala, lumabas din sa survey na mayroong mga bata ang normal noong 2019 pero naging stunted o naging bansot pagdating ng taong 2022.

Makakatulong umano ang mga datos para makagawa ng kailangang interbensiyon ang pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter