DOST-PRTI at Hong Kong Research Institute of Textiles and Apparel, bubuhayin at palalaguin ang textile fabric ng bansa

DOST-PRTI at Hong Kong Research Institute of Textiles and Apparel, bubuhayin at palalaguin ang textile fabric ng bansa

KILALA ang mga Pilipino sa pagiging mahusay at malikhain pagdating sa paggawa ng iba’t ibang mga kasuotan mula sa mga textile fiber.

Kabilang na rito ang mga damit, sapatos at bag na gawa sa mga dahon ng pinya, abaka, saging at iba pa.

Pero, sa mahabang panahon ay napabayaan at napag-iwanan na ang Philippine Textile Industry kung ikukumpara sa iba’t ibang karatig bansa natin sa Asya.

Kaya naman ang Department of Science and Technology Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ay target na buhayin at palakasin pa ang textile industry sa Pilipinas.

Isang memorandum of understanding (MOU) ang isinagawa ng DOST-PTRI at the Hong Kong Research Institute of Textiles and Apparel (HKRITA), hapon ng Martes.

Layunin ng ugnayan na ito ay magpalitan ng ideya at teknolohiya sa usapin ng research and development para sa pagpapalago ng textile industry.

Dahil dito sa tulong ng mga stakeholder ay mahihikayat pa ang mga magsasaka na magtanim gayundin ang mga maghahabi at designer na gumawa ng produkto.

“And for example sa abaka nabanggit ko kanina ay kadalasan ay ginagawa lang tali di ba. So, ‘yung ating mga magsasaka ay magsusuplay sila at gagawin nilang tali at maliit lang ‘yung tali at kailangan natin ipakita na may value chain na parang. Ano ang pakinabang ng mga ganito, ang pakinabang talaga kung may value addition ay makikita ang mga kababayan at lalong-lalo na ang mga magsasaka na imbes na sila’y tamarin na magtanim ng bagay-bagay ay puwedeng ma-encourage silang magtanim,” ayon kay Sec. Renato Solidum Jr. DOST.

“So, pagdating ng agriculture ay hindi lang ‘yan sa pagkain, kundi agriculture para sa damit, agriculture rubber, napakaraming dapat gawin. Kailangan ipaunawa sa ating mga kababayan na maraming opportunity at kailangang itahi-tahi ang ugnayan ng ating mga magsasaka depende sa kanilang mga itinatanim depende doon sa kanilang industriya na kailangang mabigyan ng suplay,” dagdag ni Solidum.

Para kay Director Julius Leaño Jr., ng DOST-PRTI na hindi nila nakikitang hamon sa henerasyon ngayon na ipakilala ang mga gawang lokal.

“Mayroon tayong sense of camaraderie as Filipinos and solidarity especially coming from the pandemic na parang na-realize natin na tayong-tayo ang magtutulungan that consciousness bring us back together, conscious tayo kung ang binibili mo ay galing sa Pilipinas. So, mayroon tayong bagong consciousness na altogether and I think it’s very nice indications of the best yet to come to local products and local technologies,” paglilinaw ni Julius Leaño, Jr., Director, DOST-PTRI.

Mga taga-gobyerno, obligado nang magsuot ng uniporme na gawa sa PH tropical fabric—CSC

Inaasahan na ng DOST-PRTI na mas makikilala pa ang mga kasuotan gawa sa iba’t ibang local textile fiber dahil din sa inilabas na memorandum circular ng Civil Service Commission (CSC).

Obligado na kasi ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaan na gumamit ng “Philippine Tropical Fabrics” (PTF) sa lahat ng kanilang mga uniporme.

Kabilang na rito ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, government-owned and controlled corporations (GOCCs) na may original charter at public universities and colleges.

“Ito ay ating sinusuportahan, in fact matagal na kaming nakipag-usap sa CSC  at may mga tropical fabric na design na kami for civil service,”  saad ni Solidum.

“So with that, pronouncement of the CSC then for sure there is so many industry players that will now really operate and produce those textile,” ayon pa kay Solidum.

ROTC uniform na gawa sa ‘kawayan tinik’, iprinisenta ng DOST-PRTI

Iba pa rito ang iprinisentang prototype o sample ng ROTC uniform DOST-PRTI kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na yari sa kawayan tinik.

Ayon kay Dir. Julius na bagama’t panukala pa lamang ang mandatory ROTC ay makasisiguro na mayroong sapat na mga raw material na gagamitin.

“All of this composition look together na consumer na tayo and we wanna make sure na ‘yung consumption natin ay nakakatulong din na paikot para gumalaw rin ang ating sariling ekonomiya at the same time we are able to use local technologies para sa ating mga industriya.”

“Ang maganda roon na hindi nakita sa picture, ang maganda roon ay excited ‘yung industry kasi it is a captive market,” dagdag ni Leaño.

Matatandaang, naging parte ng talakayan kamakailan sa Senate budget hearing ng DOST kung papaano matutulungan ng gobyerno na tuluyang alisin ang obligasyon ng bayarin sa uniporme ng mga magulang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter