Mga kaso vs KOJC members sa Estados Unidos, ibabasura na rin

Mga kaso vs KOJC members sa Estados Unidos, ibabasura na rin

IBABASURA na rin ng United States Attorney’s Office sa California ayon sa anunsiyo nitong Oktubre 26, 2024 ang ilang mga kaso laban sa members ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) members na sina Amanda Estopare at Guia Cabactulan.

Ang mga tinutukoy na kaso ay hinggil sa forced labor, money laundering, at human trafficking.

Matatandaan na sa unang bahagi ng buwan ng Oktubre ay inabsuwelto na rin ng Estados Unidos ang mga kaparehong kaso na inihain laban naman sa isang KOJC leader na si Marissa Dueñas.

Nauna nang sinabi ni Atty. Israelito Torreon na ang pagkaka-dismiss ng mga mabibigat na kaso laban sa nabanggit na KOJC leader ay malaking bentahe at pabor para sa mga kaso ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Amerika.

Isa rin itong positive development laban sa freeze order na ipinataw sa bank accounts ng KOJC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble