Mga katutubong estudyante sa iba’t ibang kolehiyo sa Calabarzon binigyan ng tulong pinansyal

Mga katutubong estudyante sa iba’t ibang kolehiyo sa Calabarzon binigyan ng tulong pinansyal

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous People’s (IP) Month ngayong Oktubre, tumanggap ng tulong pinansyal ang 7 katutubong estudyante na nag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo sa Calabarzon Region.

Ayon kay National Commission on Indigenous People-Calabarzon Reg. Director Dr. Carlos Bunsen Jr. nagbibigay ang kanilang tanggapan ng educational assistance sa mga katutubo na nais mag-aral sa kolehiyo.

Kaugnay nito magkakaroon ng Indigenous People Prov’l Summit sa lalawigan ng Quezon upang bumuo ng convergence framework para sa mga katutubo sa lalawigan.

Maliban dito magtatayo rin ng secondary school para sa mga katutubong Aeta sa Barangay Villa Espina sa bayan ng Lopez, Quezon.

Ngayong Oktubre gugunitain din ng NGCP ang ika-25 taong anibersaryo ng Indigenous Peoples Right Act.

Follow SMNI NEWS in Twitter