Mga kinatawan ng Phillippine Air Force, dumating na sa Australia, para sa isasagawang Pitch Black Military Exercise 2024

Mga kinatawan ng Phillippine Air Force, dumating na sa Australia, para sa isasagawang Pitch Black Military Exercise 2024

DUMATING na sa Darwin, Australia ang unang batch ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Pitch Black Military Exercise 2024.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, inihatid ng Royal Australian Air Force ang Philippine contingent sakay ng KC-30 aircraft.

Ang Pitch Black 2024 ay ang pinakamalaking Australian at International military exercise kung saan, tampok ngayong taon ang paglahok ng nasa 20 bansa kabilang na ang Pilipinas.

Magsisimula ito sa Hulyo 12 at tatagal ng 3 linggo o hanggang Agosto 2 na kapapalooban ng wide range tactical flying at large scale operational collective training activities.

Masasaksihan din dito ang paglahok ng mga FA-50 fighter jet ng Air Force na siyang kauna-unahan para sa Pilipinas sa paglahok nito sa isang international exercise.

Inaasahan namang darating ang main contingent sa Darwin anumang araw ngayong linggo o ilang araw bago magsimula ang mismong pagsasanay.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble