Mga kompanya ng langis, may oil price rollback ngayong linggo

Mga kompanya ng langis, may oil price rollback ngayong linggo

MAGPATUTUPAD ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.

Sa pagtataya ng oil companies, bababa ng mula P0.20 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina.

Posible namang hindi gagalaw ang presyo o bababa ng 20 sentimos ang kada litro ng diesel.

Habang mula 10 sentimos hanggang 30 sentimos naman ang ibababa sa kada litro ng kerosene.

Asahan naman ngayong araw ang pinal na anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang price adjustment.

Follow SMNI NEWS in Twitter