NAIUWI na sa kanyang lalawigan sa Cagayan ang mga labi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Marjorie Ancheta mula sa United Arab Emirates.
Sinalubong ng mga kamag-anak ni Ancheta ang bangkay nito sa Tuguegarao Airport at pansamantalang dinala sa isang punerarya sa Solano, Cagayan bago ihatid para iburol sa kanilang tahanan sa masical sa bayan ng amulung.
Kasama rin sa nanguna sa pagsundo sa mga labi ni Ancheta sina Amulung, Cagayan Mayor Elpidio Rendon at Overseas Workers Welfare Administration Regional Director Virsie Tamayao.
Si Ancheta ang isa sa tatlong OFW na nasawi sa UAE sa kasagsagan ng matinding baha kamakailan lang.
Naulila ni Ancheta ang kanyang tatlong anak na walong taong gulang at ang kambal na isang taon at anim na buwan pa lamang.