“Aksyon on the spot” hotline, ibinida ng LTO kontra traffic violators, online scammers

“Aksyon on the spot” hotline, ibinida ng LTO kontra traffic violators, online scammers

MAAARI na ang agarang pagsusumbong sa Land Transportation Office (LTO) hinggil sa sinumang lalabag sa traffic rules and regulations.

Sa “aksyon on the spot” hotline ng ahensya, mabilis nang maipaalam ng road users sakaling may makasalubong o makita silang abusado at lumalabag sa batas na mga motorista.

Mag-text lang ayon sa LTO sa 0929-2920-865 para dito.

Maaari ring i-report sa naturang hotline sakaling magiging biktima ng online scams gaya ng phishing.

Sinasabing marami ang nabibiktima sa umanoy scam kung saan upang maibahagi ang private financial information ng isang indibidwal ay sinasabihan itong may babayarang multa dahil sa traffic violations.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble