Mga lokal na opisyal na ‘di tatalima sa show cause order dahil sa mga paglabag, binantaan ng COMELEC

Mga lokal na opisyal na ‘di tatalima sa show cause order dahil sa mga paglabag, binantaan ng COMELEC

BINANTAAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga lokal na opisyal na magtatangka o haharangan sa mga inilalabas na show cause orders at pagtanggal ng mga ilegal na campaign materials para sa nalalapit na halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Ayon sa COMELEC, posibleng makasuhan ang mga ito ng paglabag sa omnibus election code at sa RA 6713 o ethical standards for government officials and employees.

Ito’y kasunod ng napabalitang pagbabanta umano ng ilang local officials mula sa Bulacan, Laguna, at Surigao sa mga tauhan ng COMELEC.

Dahil dito, binigyang-diin ni COMELEC chairman George Garcia na tanging siya lang ang maaaring maglipat o magtanggal ng tauhan ng Komisyon at hindi ang naturang mga lokal na opisyal.

Ipinunto pa ni Garcia na hindi niya ililipat ang kanilang mga tauhan na nagtra-trabaho nang tama.

Sa ngayon ay nasa 896 kabuuang show cause orders na ang naipalabas ng COMELEC laban sa mga kandidatong nagsagawa ng early campaigning o na may mga ilegal na campaign materials.

Itinakda naman ang BSKE 2023 sa Oktubre 30.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble