Mga lolo’t lola sa China, masaya sa mga programa ng pamahalaan

Mga lolo’t lola sa China, masaya sa mga programa ng pamahalaan

ATING alamin ang mga aktibidad ng mga lolo’t lola sa Neighbors Gathered Center sa Shanghai, China.

Ito’y isang senior care institution na puntahan ng mga nakatatanda para maglibang.

Game na game ang mga lola dito sa pagsasayaw, habang ginagawa nila ito, ang ibang lola naman, busy sa thread mill at iba pang aktibidad.

Bahagi lamang ito sa kanilang day-to-day routines.

Isa pa sa mga aktibidad ng mga senior dito sa China ay ang proper tea-making dahil napakapartikular nila dito sa tsaa.

Sa preparations at sa lahat ng kanilang ginagawa. So kung kayo ay naging senior dito sa China, isa lamang ito sa mga aktibidad na maaari ninyong ma-enjoy.

May board games, drawing activities at iba pang aktibidad ang puwede rin gawin ng mga lolo’t lola.

Meron nga rin aktibidad na kasama ang mga cute nilang mga apo.

Sa kabuuan ng aming tour, kitang-kita na alaga ng pamahalaan ang mga nakatatanda nila.

Katunayan, may sarili silang canteen kung saan halos ibigay na nang libre ng gobyerno ang bayad sa pagkain.

Meron ding sariling health facility kung saan ina-apply ang traditional Chinese medicine.

Pati na ang discounted na mga gamot sa sarili nilang pharmacy.

“Definitely, you know it’s very, very important now that China has entered aging care for example in this community. They have 50% of senior care persons above the age of 60’s. So how to make senior persons (to) have a happy life? That’s a very very important and challenging task to every family and every government,” pahayag ni Counsellor Zhou Li, China’s Ministry of Foreign Affairs.

Prayoridad ito sa ilalim ng liderato ni Chinese President Xi Jinping.

Sa mahigit 1.4 billion Chinese, 280 million and counting ang may edad 60 pataas.

Batay ‘yan sa kanilang pinakahuling datos nito lamang buwan ng Pebrero.

Ang nasabing bilang, mas marami pa sa kabuuang populasyon nating mga Pilipino.

Pero kahit ganito ang aged community dito sa China, ay gumagawa ng paraan ang kanilang pamahalaan para maging masaya ang retirement ng nasabing sektor.

Kaya ang solusyon, ipinakalat nila sa buong bansa ang senior care facilities.

“It’s a comprehensive community center. It’s a comprehensive welfare center including dining, physical exercise, health care, and also I think the recreation activities,” dagdag ni Li.

Pagkatapos ng buong araw na aktibidad, balik sa kani-kanilang bahay ang mga lolo’t lola.

Nasa 300 seniors ang araw-araw inaalagaan ng aming binisitang facility.

O katumbas ng 80,000 seniors bawat taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter