Mga magsasaka malapit sa Bulkang Mayon, umaasang makabalik agad sa pagsasaka

Mga magsasaka malapit sa Bulkang Mayon, umaasang makabalik agad sa pagsasaka

UMAASA ang mga magsasaka na naninirahan sa loob ng 6 kilometers radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon na agad silang makababalik sa pagsasaka dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkan.

Walang magawa ang mga magsasaka kundi titigan na lamang ang kanilang mga alagang hayop habang kinukuha ng Albay Provincial Veterinary Office (APVO).

Maliban sa tao ay mahigpit na ring ipinagbabawal ang mga alagang hayop sa loob ng 6km danger zone.

Pero, maging ang alagang hayop sa loob ng 7km-8km extended danger zone ay inilikas na rin.

Pero, umaasa ang mga magsasaka na agad silang makababalik sa pagsasaka lalo na ito lang ang kanilang hanapbuhay.

Pero, nasa 30% pa ng alagang hayop mula sa 6 km danger zone ang naililikas.

Nagsagawa na rin ng animal inventory sa mga alagang hayop ang Albay Provincial Veterinary Office (AVPO).

Nilalagyan din ng code o tag upang hindi malito ang mga kukuhang residente.

Aabot naman sa 25 na pooling sites ang inilaan ng APVO para sa mga nasabing hayop.

Nakahanda rin ang mga supplemental feeds, vitamins, check-up upang mahikayat pa ang mga magsasaka at hindi na pabalik-balik sa danger zone.

Mga awtoridad, mahigpit na binabantayan ang mga checkpoint sa loob ng 6 km danger zone ng Bulkang Mayon sa Guinobatan, Albay

Wala nang katao-tao ang barangay Muladbucad sa Guinobatan, Albay nang madatnan ng SMNI News team.

Agad kasing ipinalikas ng Guinobatan Municipality ang 31 pamilya o higit 100 indibidwal na naninirahan sa lugar dahil sa takot na baka pumutok ang bulkan.

Pero, ilang minuto lamang, dalawang lalaki na nakasakay sa motor na hindi residente sa nasabing barangay ang nais pumasok.

Pinapayagan naman umano ang mga residente na kunin ang kanilang mga naiwang pamilya sa loob ng danger zone.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bumaba sa 221 rockfall events ang naitala sa loob ng 24 oras.

Nasa 1 volcanic earthquake, habang aabot sa 723 tonelada naman ang naitalang sulfur dioxide sa magdamag.

Pinaalalahanan din ng Albay Provincial Government ang kanilang nasasakupan na maging alerto sa anumang oras sakaling pumutok ang Bulkang Mayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter