Mga magulang, malaki ang responsibilidad hinggil sa pagpigil ng teenage pregnancy sa bansa

Mga magulang, malaki ang responsibilidad hinggil sa pagpigil ng teenage pregnancy sa bansa

MALAKI ang responsibilidad ng mga magulang upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Ayon sa Department of Health, ito’y lalo na’t maaga namumulat ang mga kabataang labing limang taong gulang pababa ngayon sa paggamit ng social media.

Isa ito sa malaking dahilan para maimpluwensyahan ang mga kabataan dahil nakakapanood sila mula dito ng mga adult content.

Sa kabilang banda, hinggil sa child labor, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 1.09 million ang bilang ng mga kabataang nagtatrabaho noong 2023.

Malaki ang ibinaba nito kumpara sa 1.48 million noong taong 2022.

Partikular na age group sa survey na ito ang kabataang lima hanggang labing pitong taong gulang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble