SINO pa nga ba ang hindi nakakakilala sa tunay na katauhan ng mga makakaliwang kongresista?
Panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang mas lalo pang mabulgar ang mga nagpapanggap na lingkod-bayan.
Lahat na lang ng gawin ng administrasyon noon – tinututula’t tinutuligsa nila.
Pero sa pagpasok ng administrasyong Marcos – tahimik na sila’t kita ang tila “appreciation” nila sa mga pamamalakad ni Marcos Jr.
Isang patunay rito ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr. kung saan puring-puri ang mga makakaliwang kongresista sa scripted niyang talumpati.
Ayon sa dating kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, nagsanib-puwersa na kasi ngayon ang administrasyon at maging ang kalaban ng gobyerno noon. Magkakampi na sila.
Si Pastor Apollo C. Quiboloy na kilala ring nangunguna sa laban kontra sa komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF – pilit din nilang pinababagsak.
Sa katunayan, mistula pa ngang natutuwa ang mga makakaliwang kongresistang sa shoot-to-kill order laban kina Pastor Apollo at dating Pangulong Duterte.
“Sapagkat sila po ngayon ang attack dogs ni Martin Romualdez na isang paksyon sa grupo politikal ni Marcos Jr. Sila po’y nakikinabang ng milyun-milyon kung hindi man bilyon na pera,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Anchor, SMNI.
Bukod pa diyan, sinabi ni Ka Eric na hindi na rin nalalayo ang galawan ng mga makakaliwa sa pagpapatakbo ngayon ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay kasunod ng ginawang check-point ng mga tauhan ni Rommel Marbil ng PNP sa harap ng religious compound ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.
“Wala nang pinagkaiba din sa mga pagpapatakbo na parang mga NPA na rin ang pagpapatakbo sa organisasyon ng PNP, itinatago ang mga mukha ng pulis, walang mga nameplates, tinatago, pinagtatakpan ang mga plaka ng sasakyan at tinatakot at hina-harass ang mamamayan at ayaw sumunod at kumilala sa proseso ng mga batas. Kaya ang tawag ng mga tao diyan sa labas nang ako kanina ay makihalubilo sa kanila, ang meaning ng PNP ay Philippine New People’s Army,” dagdag pa nito.
Para kay Dr. Lorraine Badoy, nakakadismaya ang nangyayari ngayon sa hanay ng kapulisan dahil ginamit sila sa maling paraan ng administrasyon.
Aniya, imbes ang mga pulis ang nagpro-protekta sa mga Pilipino ngunit taliwas ang nangyari ngayon.
“At ‘yung nangyari dito, parang ito, totoo pa ba ito? Na parehong-pareho na ginagawa ng NPA ang ginagawa ng kapulisan. Tingnan mo ‘yang abusadong ‘yan. Di ba ‘yang abusadong ‘yan,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy, Anchor, SMNI.
Ang pahayag na ito ni Badoy ay kasunod ng bandidong istilo ng kapulisan sa pagposte nila sa KOJC compound kung saan minura ang mga kausap nilang sibilyan.
Hagip din sa video ang isang abusadong pulis na nag ‘middle finger’ pa na maihahalintulad sa walang modong pag-uugali ng NPA.
Ang pulis na ito ay tauhan lamang ni Davao City Police Office (DCPO) PCol. Hansel Marantan.
“We are calling on Col. Hansel Marantan, ang patrol car na sinakyan ng taong akmang ihahataw ang baril niya ay Davao CPO, ibig sabihin, tauhan ng Davao City Police Office. Col. Marantan, for public accountability, we are calling on you ‘yan Sasa Police Station, nag-dirty finger pa ha. Binastos niya, nag-mura pa. Col. Marantan, if you are true to your mandate to lead professionally, Davao City Police Office, bukas po ay ilantad ninyo ito sa city hall at ang taong ito ‘yung pulis na ito po ay dapat makasuhan at madisiplina, napakadelikado po nito,” ani Celiz.
Patunay lamang ito na hindi dapat tularan ang naturang mga pulis dahil nakakasira sila sa kabuuang imahe ng PNP.
“At kung totoo na hindi kayo bahagi ng Marcos Private Army at ng Philippine New People’s Army, kayong mga kapulisan dyan na nasa paligid pa ng mga religious compound ng KOJC, ay lumayas kayo. Doon po kayo sa kung saan talaga kayo nararapat. Kasi napaka peaceful po ng surroundings dito. Sa katunayan, kayo po talaga ang naging problema namin. ‘Yung pinagdaanan namin nung June 10 hanggang ngayon nandyan pa rin po ‘yung trauma and we’re still healing at kayo talaga para pa kayong nang-aasar at pinapakita pa ninyo kung gaano kaayo ka garapalan na, kayo proud pa kayo sa ginagawa ninyo,” ayon naman kay Yna Mortel, SMNI Anchor.
“That kind of behavior from the police would not have been possible under Rodrigo Roa-Duterte,” ani Dr. Badoy.
“If we can see the pattern here, I think there is a really clear instigation on their part na magkaroon ng kaguluhan to justify their next move. That’s why we have this theory na ‘yun nga, eventually if we continue to react on the continuous harassment of police elements here in our vicinity or in our community and we cannot stop ourselves of doing our responses, then they will justify themselves na there is already a lawless violence or obstruction of peace in the area,” ayon naman kay Atty. Adam Jambangan, KOJC, Legal Counsel.
Matatandaan na noong Hunyo 10 nang ilegal na atakehin ng mga armadong grupo ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) ang mga religious compound ng KOJC sa Davao City at Sarangani Province.
Nagdulot ito ng matinding trauma sa mga kabataan, kababaihan at nakatatanda matapos silang saktan ng mga bayolenteng pulis.