Mga mall at establisimyento, maaaring i-require ang pagsusuot ng face shield sa mga customer

MAARING pagdesisyunan ng mga mall at iba pang establisimyento ang pag-require sa mga custmer nitong magsuot ng face shield bago makapasok ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na maaaring i-require ng mga employers at iba pang establisimyento na kinabibilangan ng shopping malls ang pagsusuot nito para sa proteksyon ng kanilang mga customer, kliyente at empleyado.

Ang paggamit ng face shield ay kasalukuyang boluntaryo lamang sa mga lugar na nakasailalim sa alert level 3 at pababa maliban na lamang sa mga healthcare settings.

Ngunit sa ngayon ay mayroong diskuyon kung muling ipapatupad ang polisiyang pagsusuot nito sa kalagitnaan ng banta ng Omicron COVID-19 variant.

SMNI NEWS