Mga kawani na nabakunahan sa NAIA terminals umabot na sa higit 15,000

Mga kawani na nabakunahan sa NAIA terminals umabot na sa higit 15,000

UMAKYAT na sa mahigit 15,000 kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Itoy matapos ang isinagawang Bayanihan Bakunahan program ng pamahalaan.

Isa ang Terminal 4 ng NAIA ang ginawang vaccination site para sa tatlong araw na national vaccination drive.

Ayon kay Dr. Roberto “Obet” Salvador ang Deputy Director ng Bureau of Quarantine, umaabot na sa 800 hangang isang libo ang nabakunahan na para sa Bayanihan Bakunahan program na ginawa sa NAIA Terminal 4.

Dagdag pa ng opisyal binuksan na rin ang NAIA Terminal 4 bilang vaccination site hindi lamang para sa mga kawani at mga kamag anak nito kundi binuksan na rin ito sa publiko.

Pero sa kabila nito tinitiyak naman na nasusunod ang health and safety protocols.

Samantala, kasunod sa pagbaba ng 9 milyon na lang ang target na bakunahan sa national vaccination days simula Lunes dahil sa kakulangan ng syringe para sa COVID-19 vaccines ay tiniyak naman ni NTF against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr na darating na ang mga ito sa susunod na araw.

Dumating na sa bansa ang nasa kabuuang 1,632,900 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng French government.

Habang mamayang pasado alas nuebe ng gabi ang inaasahang pagdating ng 1,078,740 doses ng Pfizer vaccines.

Ang bakuna Pfizer ay bahagi at unang batch sa 2,394,990 doses na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.