SINABI ni Atty. George Garcia, chairperson ng Commission on Elections (COMELEC) sa isang press briefing na mula sa Municipal at Provincial Boards of Canvassers, dadalhin ang mga boto sa National Board of Canvassers.
Batay sa pagtataya ng ahensiya, tatagal ang canvassing ng 5-7 araw lang kung ikukumpara sa manual canvassing na umaabot ng hanggang isang buwan.
Dagdag pa ni Garcia, maaaring malaman na ang ‘di-pormal na resulta ng halalan sa gabi pa lamang ng botohan dahil sa mabilis na transmission ng election results gamit ang Automated Counting Machines (ACMS) na naka-set sa 5g technology ng Starlink.
Matatandaang noong 2022 elections, naiproklama ang 12 bagong senador matapos ang 9 na araw, habang ang mga nanalong party-list groups ay opisyal na idineklara makalipas ang 17-araw.