NASA anim na milyong balota na lang ang kailangang iimprenta ng Commission on Elections (COMELEC) para sa midterm elections.
Sa pahayag ng poll body, 92% na ang kanilang natapos mula sa kabuuang 72 milyong balota na kailangan.
Nasa 32M balota na rin ang naisalang na sa verification.
Samantala, simula noong Marso 1 hanggang Abril 30 ay sarado ang Amoranto Sports Complex sa Quezon City dahil nagsisilbi itong storage ng mga naimprentang balota.