ININSPEKSIYON ni Calapan Mayor Marilou Morillo ang baybayin ng Brgy. Rangay Navotas nitong weekend.
Nakita ng alkalde na wala nang bakas ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Matapos nilinis ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang nasabing dalampasigan.
Idiniklera din ni Morillo na ligtas pa rin ang karagatan ng Calapan kung kaya’t pinayagan niya nang mangisda ang mga residente.
Subalit ibinahagi ng mga mangingisda na hirap pa rin sila ibenta ang kanilang mga nakuhang isda.
Ipinahayag naman ng Calapan LGU ang kahandaan nito na bilhin ang mga huli ng mga mangingisda at ang LGU na ang magbebenta.