Mga miyembro ng 19th Congress sa Kamara, magko-convene ngayong araw

Mga miyembro ng 19th Congress sa Kamara, magko-convene ngayong araw

MAGKO-convene ang mga miyembro ng 19th Congress sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw.

Mamayang alas-10 ng umaga ang opening ng first regular session at ang highlight dito ang pagpili ng bagong Speaker of the House.

Ang proseso, si outgoing House Secretary-General Mark Llandro Mendoza muna ang presiding officer sa sesyon.

Magtatawag ng role call sa mga miyembro at isa-isa silang tatawagin per district at per party-list.

Pagkatapos ay bubuksan ang nominasyon para sa speaker at pagbobotohan nila ito.

Nominal voting ang proseso ng botohan.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert ‘Ace’ Barbers, si Leyte Rep. Martin Romualdez ang gusto ng majority na maging speaker.

Aniya, malaki ang naging role ni Romualdez nang magkaroon ng term sharing sa speakership sa pagitan nila Lord Allan Velasco at Alan Peter Cayetano.

At malaki rin daw ang ambag nito sa pagpasa noon ng mga crucial na panukalang batas gaya ng Bayanihan laws.

 “He was also credited for steering the House minority and majority members in the passage of crucial pieces of legislation such as the Bayanihan 1 and 2 to help alleviate economically the welfare of Filipinos badly affected by the Covid-19 pandemic,” pahayag ni Barbers.

Inaasahang magbibigay ng acceptance speech ang mahahalal na speaker para ilatag ang kanyang legislative priorities.

Nasa 315 kongresista ang inaasahang dadalo sa SONA.

Padadalhan naman ng Zoom link ang mga hindi makadadalo nang personal at sasali via teleconferencing.

Pagka ayos na ang lahat, magpapasa ng resolution ang Kamara para sabihin kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nag-convene na at organized na ang Kamara at handa na silang tanggapin ang Punong Ehekutibo para sa kanyang SONA.

 

Follow SMNI News on Twitter